Wanted na Israeli huli

MANILA, Philippines – Arestado ang isang Israeli national na sinasabing most wanted sa kanilang bayan kaugnay sa check clearing scam na umabot sa milyong dolyar at nagtago sa Pilipinas gamit ang pangalan ng kapatid.

Kinilala ni Bureau of Immigration (BI) officer-in-charge Siegfred Mison Ang nadakip na dayuhan na si Niv Borsuk alyas “Tamir Borsuk”, 35.

Naaresto si Borsuk sa Makati City noong Agosto 8, ng mga operatiba ng BI fugitive search unit.

Inisyu ni Mison ang arrest warrant para kay Borsuk kasunod ng inilabas na summary deportation order na ipinalabas ng BI board of commissioners kaugnay sa pagi­ging “fugitive, overstaying and undocumented alien” nito.

Nasa talaan umano ng Interpol red notice si Borsuk na nagtatago sa bansa gamit ang passport ng kapatid na si Tamir.

Nakansela ang passport na gamit ni Borsuk nang ireport ni Tamir na nawawala ang kaniyang passport na gamit naman ng suspek.

Sinasabing sangkot si Borsuk sa mga kasong multiple counts of fraud na ginawa simula 2009 hanggang 2011.

More From Author

דוק שירותי מטבע פיננסים בע”מ נ’ גבאי

Hadley Parmer Official Images

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Comments

No comments to show.

Jennifer Lindgren

Project Manager

Jennifer Lindgren is a seasoned project manager with a passion for bringing creative visions to life. With over a decade of experience in the industry, Jennifer excels at coordinating complex projects and ensuring they are delivered on time and within budget.